Spratly Islands
Ayon sa Wikipedia ang Kapuluang Spratly o Spratly Islands ay isang kapuluan na nagtataglay ng mahigit-kumulang 100 maliliit na pulo na nasa Dagat Timog Tsina. Hindi alam at pinagtatalunan ang hanganan ng kapuluan. Bahagi ito ng Palawan
at napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at mga malalaking
deposito ng langis. Dahil dito, pinag-aagawan ito ng iba't ibang bansa.
Ang mga bansang Republika tulad ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC), Republika ng Tsina (Taiwan), at Vietnam ay inaangkin ang kabuuan ng kapuluan, habang ang mga bansang Brunei, Malaysia, at ang Pilipinas ay inaangkin ang iba't ibang bahagi.Matatagpuan ang kapuluan sa Timog-silangang Asyang pangkat ng bahura at mga pulo sa Timog Dagat Tsina, mga dalawang-katlo ang layo mula katimugang Vietnam at katimugang Pilipinas.
Ang Spartly Island ang pinagaagawang lupain ng Pilipinas at Tsina, bakit ito pinagaagawan? Una kaya ito pinagaagawan ay marami itong natural resources, katulad ng mga isda, minerals, punong-kahoy at iba pa. Pangalawa kaya ito pinagaagawan dahil wala "daw" itong eksaktong lokasyon, kaya sinasabi ng Tsina kanila ito pero sabi naman ng Pilipinas kanila din ito. Pero kung babasahan ang mga makalumang mapa ng Pilipinas ang Spartly Island ay kabilang dito at hindi sa Tsina. Sa kasalukuyan ang Coast Guard ng Pilipinas ay nagbabantay sa mga Isla. Kapag may nakita sila mangingisda, ito ay huhulihin nila dahil ang mga mangingisda ay nalabag sa batas. Ngayon April 2015 ang Tsina ay nag tatayo ng Gusali sa Spartly Island kung saan inaangkin nila ito. Ang Coast Guard ng Pilipinas ay inaaksyonan ang Isyung ito.